Una sa Balita

NorthPort solb kay Manganti

0 340

WALANG reklamo si coach Pido Jarencio sa nakuha sa nakaraang PBA draft.

Nagulat pa nga ang NorthPort mentor nang makitang nilagpasan ng ibang teams ang target niya – si Sean Manganti mula Adamson.

Kaya nang Batang Pier na ang tumayo para humugot sa No. 8, tinawag na agad ang dating big ng Soaring Falcons.

Nauna sa regular draft ang Columbian Dyip kay Roosevelt Adams, sunod si Maurice Shaw sa Blackwater, Mike Ayonayon sa NLEX, Barkley Ebona sa Alaska, bago tinuhog ng Rain or Shine sina Adrian Wong, Clint Doliguez at Prince Rivero.

“Swak naiwan para sa amin si Sean Manganti,” ani Jarencio sa PBA website. “Tamang-tama si Sean for the 3-spot. Biglang lumalim ang wing rotation namin.”

May pansahog na ang Batang Pier kina Sean Anthony at Kevin Ferrer.

Nag-average si Manganti ng 14.3 points, 4.7 rebounds, 2.4 assists sa tatlong taon niya sa San Marcelino.

Nagka-bonus pa ang NorthPort nang makitang available pa si playmaker Renz Subido ng UST sa second round, kinuha agad nila sa No. 24.

Si Jarencio ang nag-recruit kay Subido sa Growling Tigers, pero hindi na niya nahawakan ang 5-foot-9 guard dahil umakyat na sa PBA. Ngayon, magsasama na sila sa Batang Pier.

Matatagalan pa bago makaliskisan ang dalawang recruits ng NorthPort habang hindi pa sigurado kung kailan babalik ang PBA. Sinuspinde ang Philippine Cup noong March 11 dahil sa coronavirus, sa August ay dedesisyunan ng Board kung puwede nang ituloy. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More