Una sa Balita

Northern Luzon blackout!

By
0 696

NAWALAN ng kuryente ang mga lalawigan sa Northern Luzon matapos bayuhin ng bagyong ‘Ompong’ na nagdulot ng pinsala sa mga transmission line.

Batay sa mga paunang ulat, kabilang sa mga nawalan ng suplay ng kuryente sa kasagsagan ng bagyo ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, Cagayan, Kalinga, Apayao, Abra, Mountain Province at Nueva Vizcaya.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nasira ang transmission line ng 12 230-kilovolt at 24 69-kilovolt sa Northern Luzon kaya nawalan ng suplay ng kuryente sa mga nabanggit na lalawigan.

Ilang lalawigan naman ang may kuryente subalit kokonti lang ang suplay nito.

Sa La Union, halos 17 porsiyento lang ang may suplay, 10% sa Benguet, 15% sa Pangasinan, 11% sa Isabela at 90% naman sa Benguet.

Sabi ni NGCP Head of Operations and Maintenance Gil Listano, susubukan nilang maisaayos ang mga transmission line sa oras na gumanda na ang panahon.

“If weather permits gagawin namin na ma-restore ito… Wala pa kaming complete damage assessment, sa ngayon wala pa kami pero ine-expect namin na mapabilis kapag nakuha ang data on the field,” pahayag ni Listano sa press briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon.

Tiniyak naman kahapon ng pamunuan ng Department of Energy (DOE) na maibabalik ang suplay ng kuryente sa mga sinalantang lugar sa Northern Luzon sa sandaling gumanda ang panahon.

Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na maraming mga transmission facility ang naapektuhan ng bagyong Ompong pero agad nilang aayusin sa sandaling umayos na ang panahon.

Kabilang sa apektadong mga transmission line ay ang mga sumusunod:

Region 2: Santiago-Cauayan, Gamu-Ilagan, Naguilian-Reina Mercedes-Cauayan, Tuguegarao-Cabagan, Tuguegarao-Magapit, Tuguegarao-Tabuk, Magapit-Sta. Ana.

Region 1: Labrador-Bolinao, Labrador-Malasique.

Pero, may partially restored o may kur­yenye na sa mga sumusunod na lugar: La Trinidad-Mancayan-Sagada, Bauang-San Fabian, San Esteban-Bangued, Bantay-Sto. Domingo, at Itogon-Ampucao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy