Una sa Balita

NORTHERN LIGHTS, HANGO SA BUHAY NI DIREK!

By
0 94
Raikko, Yen at Piolo
Raikko, Yen at Piolo

Lumitaw sa presscon ng Northern Lights ang katotohanan na hango sa tunay na karanasan ng direktor na si Dondon Santos ang kuwento ng pelikula. Likas na mahiyain si Dondon kaya halatang-halata sa mukha niya ang pagkabigla at pagkailang habang sinasagot ang mga tanong tungkol sa kanyang personal na buhay.

“I had a half-brother from my dad, he died last March. Medyo kuwento din ito ng dad ko, namatay ‘yung kapatid ko na hindi sila na­ging close.

“So parang sa pelikula, itinuloy ko lang ‘yung kuwento niya para magkaroon ng closure.

“He was ten years older than I am. First time, I saw him, he visited my dad’s party. Siguro, I was five and he was about fifteen.

“Pagdating niya, pagpasok niya, sabi niya sa akin, ‘Hi, would you happen to know where Ricardo Santos is?’

“Sabi ko, yeah, of course, he’s my dad. Who are you?”

“Sabi niya, ‘I’m Dondon Santos.’

“Sabi ko, I’m Dondon Santos too. Pareho po kasi kami ng pangalan,” ang sabi ni Dondon na hindi  natapos ang  kuwento dahil hindi madali sa kanya na ipagtapat sa publiko ang isang sensitibo na pangyayari sa buhay ng pamilya niya.

Malaking hamon kay Yen Santos!

Malaking hamon kay Yen Santos ang pagbibida sa Northern Lights dahil kailangan na mapatunayan niya na hindi nagkamali ang mga producer ng pelikula sa pagpili sa kanya bilang ­lea­ding lady ni Piolo.

Santos ang family name ni Yen at sa showbiz, successful ang karamihan sa career ng mga aktres na may Santos na apelyido, ang ABS CBN executive na si Charo Santos, ang Star for All Seasons at House Representative na si Vilma Santos at si Judy Ann Santos, ang may hawak ng korona ng Teleserye Queen.

Kapag naging blockbuster ang Northern Lights, na showing na today, malaki ang tsansa na masundan ang unang pelikula ni Yen at kung gusto nito na magkaroon ng matagumpay na showbiz career, gamitin niya na inspirasyon sina Charo, Vilma at Judy Ann para magkaroon ng kabuluhan sa showbiz ang kanyang pagiging Santos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy