Una sa Balita

North at South Korea kasado sa peace talks

By
0 1,522

Nagkasundo kahapon ang North at South Korea na magdaos ng peace talks, ilang oras matapos ipagpa­liban ng Seoul at Washing­ton ang kanilang joint military exercise.

Ang pagpupulong, kauna-unahan sapul noong Disyembre 2015, ay magaganap sa truce village Panmunjom na sakop ng Demilitarized Zone na siyang humahati sa peninsula.

Noong 2017, na­ging agresibo ang North Korea dahil sa makailang beses na pagpapalipad ng missile test, kabilang na ang ICBM at ika-anim nilang atomic test

Nagbanta pa si North Korean leader Kim Jong-Un sa talumpati noong Bagong Taon na may nuclear button siya sa kanyang mesa, subalit nagpasabi naman sa South Korea na maaari silang magpadala ng delegasyon sa Winter Olympics na gagawin sa Pyeon­g Chang nga­yong Pebrero­.

Kasunod nito ay binuksan naman ng dalawang bansa ang kanilang hotline na halos dalawang taon din na sarado dahil sa hidwaan.