Una sa Balita

Normal bang manood ng porn ang lalaki?

By
0 1,592

Dear Dra. Holmes: (translated from English)
Four years na po kami ng boyfriend ko. Sabi po niya na malibog lang daw siya sakin. Pero nanonood siya ng porn. Lagi niyang gingawa ito para makuha niya ang gusto niya; halimbawa, sex sa akin.

Kung kaya niyang gawin ito sa akin, ibig po bang sabihin kaya niyang magloko ‘pag kasal na kami? Talaga akong abala rito kasi lagi niyang binibigay (justifies) na paliwanag ay lahat ng lalaki ay nanonood ng porn. Dahil dito sob­ra akong nadidirian sa kaniya na naisip kong iwa­nan siya.

Pero baka po ako mali. Talaga po bang normal lang manood ng porn? May karapatan ba akong iwanan siya dahil dito? Wala na po bang mga lalaki na hindi nanonood ng porn? Ta­lagang nasira ang loob ko (disheartened) dahil rito. Luisa

Dear Luisa:
Maraming salamat sa sulat mo. Marami kang mga isyu na tinatanong tungkol sa pornography at sa mga la­laking nanonood nito. Uumpisahan kong sagutin ang iyong mga tanong isa-isa.

1. Wala po bang mga lalaki na hindi nanonood ng porn? Nakakasi­guro ako na mayroong mga la­laki — sa bundok na napa­kalayo at mahirap abutin — na hindi nanonood ng porn, pero sa aking karanasan bilang clinical psychologist, wala pa akong nakilalang lalaking hindi nanood ng porn. Huwag ka sanang madismaya. Mayroong mga lalaki na tumi­ngin lang ng isang beses o dalawang beses tapos kahit kailan ay hindi na nanood uli. Maaaring nanood sila dahil kasama nila ang barkada nila at mahirap tumanggi, o dahil mausisa lang sila, pero nanood pa rin sila.

Ang mahalaga rito ay hindi kung nanood ka ng iilang beses, pero ang epekto ng porn sa iyong buhay at sa relasyon mo sa partner mo. TO BE CONTINUED

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante 3x a week. Sulatan siya sa Facebook http://www.facebook.com/drmargieholmes at panoorin siya sa ‘Walang Echos’ sa Abante Tonite Facebook tuwing Huwebes, 7 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy