Una sa Balita

Normal bang manood ng porn ang lalaki? (2)

0 1,228

Dear Dra. Holmes: (shortened)
Sabi ng boyfriend ko na malibog lang daw siya sakin. Pero nanonood siya ng porn. Lagi niyang gingawa ito para makuha niya ang gusto niya.

Ibig bang sabihin na dahil kaya niyang manood ng porn, kaya rin niyang mangbabae pagkasal na kami? Sobra akong nadidirian sa kaniya kaya naisip kong iwanan siya.

Talaga po bang normal lang manood ng porn? May karapatan ba akong iwanan siya dahil dito? Talagang nasira ang loob ko (disheartened) dahil rito.
Luisa

Dear Luisa:
Maraming salamat sa sulat mo na una nating pinublish noong Miyerkoles, Pebrero 27. Doon sinagot ko ang iilang tanong mo tungkol sa panonood ng porn. OO, normal manood ng porn. At kahit manood ang isang lalake ng porn, hindi ibig sabihin na siya ay magiging babaero pag mag-asawa na siya.

Ang mahalaga ay ano ang kahulugan ng pagpapanood ng bf mo nito? Para sa bf mo, ang isang dahilan ata ay, gaya ng sinabi mo, para makuha niya ang gusto niya sa iyo. Foul na ‘yan. Sa aking opinion, ginagamit niya ang porn para makontrolado ka niya. Ang masama rito ay HINDI dahil nanonood siya ng porn pero dahil siya ay naghahanap ng mga paraan para ma -control ka.

Dahil dito, may karapatan kang iwanan siya.

Sa katotohanan lang, kahit wala siyang ginawang nakakadiri tungkol sa porn o tungkol sa kahit ano pang bagay, mayroon kang karapatang iwanan siya! Hindi pa kayo kasal so wala kang kailangang mabigat na dahilan para iwanan siya. ‘Di mo siya type? Chugi. Masama ang trato niya sa iyo? Chugi. ‘Di mo gusto papaano siya nagsalita sa iyo at pagod ka nang pag-awayan ito? Chugi.

Inaasahan ko na nakatulong ako sa iyo, dearest Luisa. Hindi talaga ako ganitong kataray. Pero kutob ko ay gusto mo talagang iwanan siya, pero nag-aalangan ka.

At gusto ko lang iparating sa iyo na wala kang dahilan para mag alangan dahil wala kang kailangang matinong dahilan para mang-iwan ng bf, lalong-lalo na ang isang manggagamit ng tao, kagaya ng kasalukuyan mong bf ngayon. Ingat — MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7:00 pm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy