Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Norada, Baucas atat bumalibag

0 58

TIWALANG mapagtatagumpayang muli nina Noel Norada at Jason Baucas na maipagtanggol ang kani-kanilang mga titulo sa pagsisimula ng wrestling event ngayong araw sa 31st Southeast Asian Games sa Gia Lam District Sporting Hall sa Hanoi, Vietnam.

Binalibag nina Norada at Baucas ang mga titulo sa men’s Greco Roman 63kgs at 72kgs class, ayon sa pagkakasunod, upang bigyan ang bansa ng dalawang gintong medalya kasunod ng pananalasa sa 12 gold medals ng Vietnamese wrestlers sa Angeles University Foundation Sport and Cultural Center sa Angeles City nong 2019 edition.

Patuloy na sasabak at idedepensa ni Norada ang kanyang titulo sa 63kgs, habang susubukang muling makakuha ng medalyang ginto ni Baucas sa mas mabigat na 77kgs class, kung saan kampeon si Nguyen Ba Son ng Vietnam, samantalang makikipagpalit naman siya kay Pinoy bronze medalist Jefferson Manatad sa 72kgs division.

Aminado si Philippine Wrestling Federation President Alvin Aguilar na naging malaking epekto para sa national wrestlers ang kawalan ng maayos na pagsasanay, lalo na sa mga kumpetisyon at training camp sa abroad, gaya noong 2019 edisyon dahil sa nangyayaring COVID-19 pandemic. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.