Una sa Balita

Nora, Vilma, Maricel, Dawn, Hilda: Mga babaeng natakam sa romansa ng mga boylet

0 498

Dahil sa tagumpay sa box-office ng pelikulang “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao, muling nauuso ang mga May-December affair film.

Sa Urban Dictionary, ang meaning ng “May-December affair” is a relationship between two people where one partner is in the “winter” of their life (old) and the other partner in the relationship is in the “spring” of their life (young). May/December relationships can either be superficial or serious – so the term doesn’t itself say anything about the status of the relationship.

Pero hindi nauna sa ganyang tema ang “Just A Stranger” sa taong ito, dahil noong November 2018 ay nag-viral ang mainit na eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa iWant original film na “Glorious”. Nasundan ito ng “Belle Douleur” nina Mylene Dizon at Kit Thompson, at ng “Malamaya” nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda.

Kung tutuusin ay noon pa uso ang May-December affair films at ang iba rito ay naging award-winning pa…

Heto nga ang mga pelikulang nagpakilala sa landian, lambingan, harutan ng mga babae/lalaki na may edad sa mga mas batang-batang nilalang.

NAGSIMULA SA PUSO (1990)

Mula sa direksyon ni Mel Chionglo, kuwento ito ng isang college professor na si Celina (Hilda Koronel) na nagkaroon ng sikretong relasyon sa kanyang estudyante na si Carlo (Richard Gomez). Noong magtanan sila, pinalabas ni Celina na kinidnap siya si Carlo dahil sobra ang obsession nito sa kanya at para hindi rin masira ang reputasyon niya sa university. Nakulong nang matagal na panahon si Carlo at noong lumaya siya, pinangako niya sa sarili na babalikan niya si Celina para muli itong angkinin kahit na may asawa’t anak na ito.

SINUNGALING MONG PUSO (1992)

Kuwento ito ni Clara (Vilma Santos) na hindi na masaya sa pagsasama nila ng malupit at babaero niyang mister na si Roman (Gabby Concepcion). Nagkataon na nakilala niya ang young father na si Jason (Aga Muhlach) na hindi rin masaya sa nagging wife niyang si Anna (Aiko Melendez). Nabuo ang isang sikretong relasyon na nauwi sa isang madugong trahedya. Mula sa direksyon ni Maryo J. Delos Reyes, nanalo rito si Aga bilang FAMAS Best Actor.

SOLTERA (1999)

Isang successful career woman si Sandra (Maricel Soriano), pero takot siyang maging matandang dalaga. Nakarelasyon niya si Eric (Diether Ocampo), isang ambisyosong lalaki na gustong baguhin ang buhay niya. Nagkaroon sila ng relasyon pero naging hadlang ang kanilang age gap. Mas lumala ang sitwasyon nang malaman ni Sandra na sikretong nakipagrelasyon si Eric sa kanyang assistant na si Lisa (Claudine Barretto). Dinirek ito ni Jerry Lopez Sineneng at nanalo rito ng dalawang best supporting actor awards (FAMAS, FAP) si Raymond Bagatsing bilang gay best friend ni Sandra.

NAGLALAYAG (2004)

Ang Maryo J. Delos Reyes film na ito ay tungkol sa isang middle-aged menopausal judge na si Dorinda na nakarelasyon ang isang binatang taxi driver na si Noah (Yul Servo). Pinaglaban ni Dorinda ang kanyang pagmamahal kay Noah sa pamilya nito at sa kanyang mga kaibigan. Hanggang sa pagkamatay ni Noah, nangako si Dorinda na wala na itong mamahalin pa ulit. Nanalo rito sina Nora at Yul ng best actress at best actor awards mula sa Brussels International Film Festival. Nanalo namang best supporting actress sa FAP si Jaclyn Jose bilang ina ni Yul.

THE MISTRESS (2012)

Isang simpleng seamstress lang si Sari (Bea Alonzo), pero ang sikreto nito ay karelasyon niya ang isang married man na si Rico (Ronaldo Valdez). Nakilala ni Sari si JD (John Lloyd Cruz) na anak pala ni Rico. Si Sari pala ang babaeng kinukuwento ng ina ni JD na si Regina (Hilda Koronel) na sumira sa kanilang pamilya. Despite all that, pinaglaban pa rin ni JD ang pag-ibig niya kay Sari kahit na masira na ang relasyon nito sa kanyang ama. Directed by Olivia Lamasan, naging highest-grossing film of 2012 ang “The Mistress” at 16th sa highest grossing Filipino film of all time with P260 million. Nanalo naman ito ng Luna Awards for best director, best actor, best supporting actor at best supporting actress.

MGA ALAALA NG TAG-ULAN (2013)

Isang coming-of-age film ni Ato Bautista na tungkol sa isang binatilyo na si Santi (Akihiro Blanco) na nabighani sa isang mas matandang babae na si Claire (Mocha Uson) na nakilala niya habang malakas ang ulan. Kay Claire na natutunan ni Santi ang kanyang unang pag-ibig, selos, paggising ng kanyang makamundong pagnanasa at unang sakit ng pakikipaghiwalay.

THE LOVE AFFAIR (2015)

Directed by Nuel Naval, kuwento ito ng isang married couple na sina Vince (Richard Gomez) and Trisha (Dawn Zulueta). Biglang nagulo ang pagsasama nila nang malaman ni Vince na nagkaroon ng affair si Trisha sa ex-boyfriend nito. Humingi ng tulong si Vince sa isang young lawyer na si Adie (Bea Alonzo) na nanggaling din sa isang failed relationship. Dahil pareho ang kanilang situwasyon, nagkaroon sina Vince at Adie ng relasyon, pero handang ipaglaban ni Trisha ang karapatan niyang bilang asawa.

LOVE ME TOMORROW (2016)

Kuwento ito ni Cristy (Dawn Zulueta), isang lonely housewife na na-curious na makipagrelasyon kay JC (Piolo Pascual) na DJ sa isang club. Magiging conflict dito ni Cristy ay ang pagtanggap ng mga anak niya kay JC at ang pakikipag-compete nito sa millennial ex-girlfriend nitong si Janine (Coleen Garcia). This is directed by Gino Santos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy