Una sa Balita

Nora, Maricel nangangamoy giyera sa primetime

By
0 2,934

Sa inyo na ang Diamond Star habang sa Kapuso network naman ang Superstar!

Matapos mabalitang may gagawing series si Maricel Soriano sa Channel 2, sumunod naman dito ang pagbabalik ni Nora Aunor sa GMA. In fact, nakapagsimula na si Ate Guy sa series na Extraordinary Love bago pa man siya pormal na pumirma ng kontrata sa network nitong nakaraang mga araw.

Sa pahayag ni Nora after ng contract signing nasa Kapuso talaga ang puso niya. Huli siyang napanood sa Little Nanay na pinagbidahan ni Kris Bernal.

Mas bonggang kung pagtatapatin sa primetime ang series nina Nora at Maricel para magkaalaman nang talaga kung sino sa kanilang dalawa ang mas magaling umarte at malakas humatak ng manonood, huh!