Una sa Balita

Nora lumayas sa taping dahil kay Gina?

0 4,253

Maayos na nairaos ang first taping day ng bagong teleserye sa GMA na kinabi­bilangan ni Nora Aunor at proud na proud si Mikee Quintos na nakasama niya ang nag-iisang Superstar.

Kasama rin nila ang nagbabalik GMA na si Wendell Ramos. Malamang magbalik Bubble Gang din ito.

Ang maganda sa teleser­yeng ito ay si Direk Gina Alajar ang director. Eh, siya rin ang nang-aapi kay Yasmien Kurdi sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na panghapong teleserye.

Tuwang tuwa si Direk Gina na makakatrabaho si Ate Guy na minsan nagkatampuhan ang dalawa. Kaya proud si Direk Gina na nagkayakapan daw sila nang mahigpit ng Superstar.

Kaya mali ang chismis na diumano ay nag-walkout si Ate Guy sa first taping day. Masaya ang lahat, noh?

Gil, Kiko nakakaintriga ang agawan kay Julie

Inabangan ang summer plug ng Kapuso Network na ‘Buong Pusong Magsaya This Summer’ na inilabas kamakailan dahil dito ibinunyag ang mga upcoming shows na dapat abangan.

Nakaka-excite ang mga programang hatid ng GMA nga­yong tag-init dahil halo-halong klase ng entertainment ang hatid nila.

Sa The Cure, aaba­ngan ang tambalan nina Tom Rodriguez at Jennylyn Mercado samantalang nakakaintriga naman ang magiging love triangle nina Julie Anne San Jose, Kiko Estrada at Gil Cuerva sa ‘My Guitar Princess.’

Nakakaaliw din ang pagbabalik-tambalan nina Derrick Monasterio at Barbie Forteza sa ‘Inday Will Always Love You’ habang nakakaantig na kwento naman ang susu­baybayan sa ‘Extraordinary Love’ nina Kate Valdez at Mikee Quintos kasama ang new Kapusong si Jo Berry.

Isang exciting at informative show naman ang handog ng ‘The Atom Araullo Specials’ at kwelang patalbugan sa Lip Sync Battle Philippines 3 nina Iya Villania at Michael V. Jam-packed sa saya ang summer kasama ang Kapuso Network kaya abangan ang mga upcoming show na ito!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy