Una sa Balita

NORA, CHRISTIAN BABLES AT RHIAN, KAPURI-PURI ANG KAGANDAHANG-ASAL SA THE EDDYS!

0 133
Edu at Luis Photo by Boy Borja

Ang Viva Live ang producer ng fast- paced at hindi boring na awards night ng The Eddys na nagsimula ng 7:57 pm at natapos bago sumapit ang 10 pm.

Mga host ng programa ang mag-amang Edu at Luis Manzano na mga perfect choice dahil walang dull moments.

Nasusubok ang tunay na husay ng mga emcee kapag commercial break at dito ipinakita nina Luis at Edu ang kanilang mga galing.

Hindi napansin ng Kia Theatre audience ang oras dahil sa  mahusay at hindi pilit na pagpapatawa ng mag-ama, lalong-lalo na si Luis na hindi nauubusan ng mga biro na hindi offensive sa kapwa.

Higit sa lahat, nagagawa ni Luis na pagtawanan ang sarili na gustong-gusto ng manonood dahil ipinaramdam niya na hindi siya naiiba, kahit popular celebrity siya.

Kung may pinanghihinayangan kami, ito ay ang hindi pagdalo ng ibang mga nominado at ng karamihan sa winners dahil pinakawalan nila ang oportunidad na matanggap nang personal ang mga parangal na iginawad sa kanila.

Hindi namin nilalahat pero may mga artista na hindi pinahahalagahan ang mga acting nomination nila.

Kaplastikan ang kanilang mga pahayag na malaking karangalan na magkaroon sila ng nominasyon pero hindi naman nila sinisipot ang mga imbitasyon.

Nasanay ang ibang mga artista na dadalo lamang sila sa mga gabi ng parangal kapag nakakatanggap sila ng tawag mula sa tauhan ng mga award-giving body at sinasabihan na dumalo dahil tiyak ang kanilang panalo.

Hindi ito ginawa ng SPEED dahil tanging ang presidente nito na si Isah Red ang nakakaalam ng listahan ng mga nagwagi.

Nagustuhan namin ang desisyon ng SPEED na huwag abisuhan ang mga nanalo, kahit wala ang halos ng mga winner, dahil panahon na para mabago at mawala ang pangit na attitude ng mga siguristang artista na ayaw gumastos sa make up, damit at gasolina pero nagsasalita na karangalan para sa kanila ang mabigyan ng nominasyon pero hindi sumisipot sa awards night.

Mga nominado at hindi nanalo pero dumalo sa The Eddys sina Nora Aunor, Christian Bables at Rhian Ramos kaya kapuri-puri ang ipinakita nila na kagandahang-asal.

Vilma, Paolo, John Lloyd, Angel, Lav, top winners!

Sina House Representative Vilma Santos-Recto, Paolo Ballesteros, Angel Locsin, John Lloyd Cruz at Lav Diaz ang top winners sa The Eddys, ang award-giving body ng The Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), na ginanap sa Kia Theatre noong Linggo, July 9.

Best actress winner si Vilma dahil sa pagganap niya sa Everything About Her ng Star Cinema, best actor awardee si Paolo (Die Beautiful), best supporting actor si John Lloyd (Ang Babaeng Humayo) at best director si Lav para sa Ang Babaeng Humayo na tinanghal din na best picture.

Producer of the Year si Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment Inc., Manny Pichel Awardee si Lav Diaz, Joe Quirino Awardee si Boy Abunda at binigyan ng SPEED ng posthumous award ang multi-awarded wri­ter na si Joaquin “Jake” Tordesillas na sumakabilang-buhay noong June 30, 2017.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy