Una sa Balita

Noontime show host inireklamo ng mga fan

0 598

Nagsumbong sa akin ang ilang kaibigan tungkol sa attitude ng isa sa mga regular host ng noontime show. Nag-taping kasi ang mga ito sa lugar nila sa Sampaloc kaya tuwang-tuwa sila.

Siyempre, kanya-kanyang pakuha ng litrato ang mga tao sa mga cast/host. Magiliw naman ‘yung mga mainstays ng show except for one.

Naging masungit daw sa kanila ang isang male host. Buti raw sana kung main host siya eh kasi, paningit lang siya sa ibang segments ng programa, huh!

“Mabuti sana kung guwapo siya! Ang lapad ng mukha niya, ‘no? ” sey ng kaibigan naming nagsumbong.

Jerome Ponce nagpakasasa sa iba’t ibang lalaki

Binigyan ng bagong atake ng writer-director na si Jason Paul Laxamana ang youth-oriented film o tinatawag na tropa o kada movie sa Regal films na “Ang Henerasyong Sumuko sa Love”.

Kuwento ng limang high school friends na ang naging pact ay magkita-kita sa isang camping site after one year nang walang reminder o text.

Nang muling magkita-kita, lumabas na ang pinagdaanan nila sa buhay, sa trabaho at iba pa. At sa bandang huli isa sa kanila ang nagpatunay na anuman ang mangyari, may mga kaibigang naghihintay sa ‘yon na dadamayan ka sa hirap at ginhawa.

Magagaling ang mga artista na sina Jane Oineza, Jerome Ponce, Myrtle Sarossa, Albie Casiño at Tony Labrusca.

Nakaw-eksena ang character ni Jerome bilang may datung na bading, na nagpakasasa talaga sa iba’t ibang lalaki.

Mahusay rin sina Jane, Myrtle at Albie pero sa amin, the best si Tony lalo na sa huling bahagi ng pelikula. Hindi man siya nagpakita ng puwet dito, naging daan naman siya upang ipaabot sa mga barkada ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga kaibigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy