Una sa Balita

Nonong naluklok ulit na football president

0 163

NANAWAGAN agad ng rekonsilyasyon sa mga nakatunggali ni Mariano ‘Nonong’ Araneta ilang sandali matapos muling mahalal bilang presidente ng Philippine Football Fede­ration Biyernes sa 16th PFF Congress sa Century Park Hotel.

“Rest assured, we will do better and we will move on as one,” pangako ni Araneta matapos talunin si Ricky Yanson ng Negros Occidental Football Association, 23-12.

“I enjoin everyone to unite for the good of Philippine football. I am extending my hand to my opponent so we can bring football further.”

Binalewala na ni Araneta ang aniya ay pag-atake sa kanyang personalidad noong kampanyahan pa lang.

Suportado pa rin si Araneta ng Mindanao bloc sa pangu­nguna ng kanyang runningmate na si M’lang, Cotabato Mayor Joselito Pinol na re-elected ding vice president. Sa susunod na apat na taon, plano ni Araneta magtayo ng mas marami pang imprastraktura – una ang completion ng National Training Center sa Carmona, Cavite.

Tumango ang Qatar Airways na maging title sponsor ng PFL sa loob ng tatlong taon umpisa sa 2020.

Nangako si Araneta ng mas marami pang age-group tournaments para palakasin ang youth, may mga pribadong kumpanya na rin umanong pumayag maging sponsors. Kabilang dito ang Vallacar Transit at Giligans. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy