Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nonito kambiyo kay Casimero

0 83

NAGKAINITAN man sa social media sina Pinoy boxer Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire at ‘Quadro Alas’ John Riel Casimero, pinairal pa rin ng una ang kanyang pagiging matulungin.

Nang pumutok kasi ang balita ng pagpirma ni Nonito sa bago niyang boxing promotion na Probellum ay tinulungan niya ring ipasok si Casimero.

Napaulat kasi na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Ormoc-pride Casimero sa Manny Pacquiao (MP) Promotions kaya naghandog ng tulong si Nonito.

“What we did was we met with Richard (Schaefer) and we just did what we should do for a fellow Filipino champion. To help with his career,” saad ng misis ni Donaire na si Rachel.

Nilinaw din ni Donaire na magkakampi na sila ngayon ni Casimero at hindi muna itutuloy ang matagal na nilang ambahan sa lona.

“Ngayon hindi pa kami maglalaban, pero magtutulungan to help each other in our careers,” pahayag naman ni 38-anyos Nonito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.