Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nonito ginaya ni Eumir

0 36

NAKAKAMANGHA ang ipinakitang bagsik ni Eumir Felix Marcial sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 men’s boxing middleweight quarterfinals Linggo sa Kokugikan Arena sa Tokyo, Japan.

Pinagbasak ni Marcial upang makausad sa semifinals at sumiguro ng bronze medal si Armenian boxer Arman Darchinyan via first round knockout.

Si Arman ang pamangkin ni former two-division men’s world boxing champion Vic Darchinyan na pinataob dinn ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. taong 2007 para masungkit ang ang International Boxing Federation at International Boxing Organization flyweight titles.

Sa pag-usad ni 25-year-old boxer mula Zamboanga sa semifinals, tiyak na rin siyang makakapag-uwi ng Olympic medal. Sunod kay Marcial si Oleksandr Khyzgniak ng Ukraine sa Agosto 5. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.