Una sa Balita

Non-Master Rapid kasado sa Nov. 16

0 317

ISUSULONG ang kauna-unahang 2019 Pinugay Non-Master Rapid Chess Tournament sa Nobyembre 16 sa Baras Pinugay Elementary School Phase 2, Baras, Rizal.

Ipatutupad sa nasabing event ang 20 ­minutes plus five seconds delay time control format, bukas sa lahat ng walang titulong manlalaro.

Libre ang pagpapatala kasama ang lunch sa mga kalahok.

“This event would help grassroots players­ to develop their full potential as well as to recognized their indivi­dual strengths and skills. Moreover, we are inviting players from other places to make this event more exciting and to enrich our very own athletes the act of sportsmanship and camaraderie,” hayag ng organizer.

Related Posts

Tatangap ang magkakampeon ng P1,000 plus medal at trophy, nakalaan sa 2nd place ang P750 plus medal at trophy, maisusubi ng 3rd place ang P500 habang may P250 naman ang naghihintay sa 4th place.

May nakalaan na medal sa 5th to 10th placer.

Ang magwawagi bi­lang top high school player at top elementary player ay magbubulsa ng tig-P200. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy