Una sa Balita

Non-master, kiddies chess susulong sa Caloocan

By
0 1,100

ILANG tulog na lang at dadagsain na ng mga Pinoy woodpusher ang 1st Jasmeen Foodville Non-Master 1975 & Kiddies Under-13 Chess Tournament na gaganapin sa June 12 sa Jasmeen Foodville, Eat, Dine & Shop sa ground floor ng Amiration Bargain Center sa Rizal Ave. Extension, Caloocan City.

Inaasahang sasali sa event na ipatutupad ang six round sa Non-Master at five round swiss system sa Kiddies U-13 sina Felix Aguillera ng Philspada- Manila, Rising Star Karly­cris Clarito Jr. ng Pasig, Yuangsean Tolentino ng Bulacan at Emmanuel Neri ng Antipolo.

Ang nasabing chess tournament ay bukas sa mga rated at unrated playe­r na hindi tataas sa 1975 rating sa Non-Master at Kiddies U-13.

Abante Hiring – IT dep

Pero ang Kiddies U-13 na maglalaro sa Non-Master Category ay puwedeng maglaro kahit mataas sa 1975 ang kanilang rating, basta huwag lalampas ng 2000.

Nakalaan ang P3,500 plustrophy sa magkakampeon sa Non-Master, P2,000 sa second placer habang P1,000 sa third kung saan ay P300 ang registration fee.

Bibigyan din ng consolation na tig-P500 ang mga top sa Senior, (55+ age), Lady, Elementary, High School, College at PWD.

Mag-uuwi naman ng P1,500 + trophy ang kampeon sa Kiddies U-13, habang P800 ang sa second at P600 ang hahamigin ng 3rd placer.

Magbubulsa rin ng prize money ang mga Top U11, nine at seven sa event na binasbasan ng National Chess Federation of the Philippines, (NCFP).

Para sa ibang detalye, makipag-ugnayan kina NA Boyet Tardecilla, (0917-143-5999), Odette Garcia, (0917-688-2015) at CA Eli Carredo, (0905-860-2695). (Elech Dawa)