Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nominasyon sa Pambansang alagad ng sining bukas na

0 127

Si Senador Manny Pacquiao ay iba niya pang kasamahan sa Senado, may panawagan na dapat na hiranging Pambansang Alagad ng Sining a ang tinaguriang Hari ng Agimat Movies, na pinagsilbihan rin ang taong bayan bilang senador, ang namayapang Philippine movie icon, si Jose Bautista Sr., na mas kilala sa popular niyang pangalan bilang Ramon Revilla Sr.

Ang tinatawag na People’s National Artist, ang nag-iisang superstar Nora Aunor, marami ang may pangmalakasan at nagkakaisang opinon at pakiwari na hinog na hinog na ito para mapasama sa Orden ng Pambansang Alahad ng Sining mg Pilipinas at ibigay na rito ang karangalan at respeto, na hindi lang isa. Kundi dalawang beses na ipinagkait, na matanghal bilang National Artist for Film.

Eh ang artistic contribution at legacy ni cultural maven Gilda Cordero-Fernando, sapat na kaya ang kanyang mga ginawa para siya ay mailuklok at mabigyan ng pinakamataas na parangal bilang isang artistang Filipino?

Si Revilla, Aunor at Fernando, ay iilan lamang sa mga pangalang sinasambit na karapadapat sa pambansang karangalan ngayong binuksan na ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at Cultural Center of the Philippines (CCP) ang nominasyon para sa mga susunod na mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas.

Magkatuwang ang NCCA at CCP sa pangangasiwa sa Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na iginagawad ng Pangulo ng bansa sa mga natatanging Filipinong indibidwal na mayroong mahalagang kontribusyon sa sining ng Pilipinas.

Ang Orden ng Pambansa ng Alagad ng Sining ay nabuo noong ika-29 ng Abril 1972 sa bisa ng Proclamation No. 1001 upang bigyan ng natatanging pagkilala ang mga Filipinong may mahalagang ambag sa pagpapayabong ng sining sa Pilipinas. Ang unang kinilalang Pambansang Alagad ng Sining ay si Fernando Amorsolo.

Ang Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay naglalayong mabigyan ng pagkilala ang mga Filipinong alagad ng sining na may mahalagang kontribusyon sa mga pamana ng bansa, pinakamataas na pagkilala ng pagkamalikhain, at mga Filipinong alagad ng sining na inilaan ang kanilang buhay sa paglikha ng sining para sa susunod na henerasyon ng mga Filipinong alagad ng sining.

Related Posts

Ang mga manonomina ay dapat mapabilang lamang sa isang kategorya kung saan nagkaroon siya ng pinakamalaking kontribusyon, ang iba niyang merito ay idadagdag sa sipi. Ang mga katergorya kung saan maaaring magnomina ay: Architecture and Allied Arts; Dance; Design; Film and Broadcast Arts; Literature; Music; Theater; at Visual Arts.

Ang pamantayan sa pagbibigay ng gawad ay ang sumusunod: mga nabubuhay na Filipinong alagad ng sining sa panahon ng nominasyon at pagbibigay ng gawad, at mga Filipinong alagad ng sining na sumakabilang-buhay matapos itatag ang gawad noong 1972; mga alagad ng sining kung saan ang mga likha ay nagtataguyod ng pagiging makabayan; mga alagad ng sining na nanguna sa partikular na ekspresyon o gawi na nag-iwan ng malaking epekto sa mga sumunod na henerasyon; at mga alagad ng sining na tumannggap ng iba’t ibang gawad sa loob at labas ng bansa tulad ng Gawad CCP para sa Sining, CCP Thirteen Artists Award, and NCCA Haraya Awards (Alab and Dangal).

Maaring Isumite ang mga nominasyon hanggang ika-15 ng Disyembre 2020 sa:

ORDER OF NATIONAL ARTISTS SECRETARIAT

Office of the Executive Director

National Commission for Culture and the Arts

NCCA Building, 633 General Luna Street, Intramuros, 1002 Manila

onaa@ncca.gov.ph
Para sa iba pang impormasyon o mga katanungan, maaring magpadala ng email kay Elijah Joshua Benjamin D.F. Aban, Project Officer, Awards and Recognition Unit sa onaa@ncca.gov.ph o kaya ay bisitahin ang NCCA website at www.ncca.gov.ph.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.