Una sa Balita

Nominasyon sa pagpili ng 2 mahistrado, ilalarga ng JBC

By
0 504

Nakatakdang pulu­ngin ni Supreme Court Chief Justice Teresita de Castro ang mga miyembro ng Judicial and Bar Council (JBC) para mailatag ang mga hakbang kasunod ng nabakanteng posisyon sa Korte Suprema bilang associate justice.

Sa ilalim ng Saligang Batas, ang chief justice ng Korte Suprema ay awtomatikong ex-officio chairman ng JBC.

Sinabi naman ni DOJ secretary Menardo Guevarra, ex-officio member ng JBC, sa ngayon­ ay wala pang naka-schedule na en banc meeting ang JBC.

Kauupo lang ni De Castro bilang Chief Justice kahapon na agad nag-preside sa en banc session at oral arguments.

Sa ngayon, dalawang posisyon pa bilang associate justice sa Korte Suprema ang bakante.

Ang isang bakanteng puwesto na iniwan ni dating justice at ngayo’y Ombudsman Samuel Martires ay may mga aplikante na.

Alas-4:30 nang hapon sa September 3 ang deadline ng JBC para tumanggap ng aplikasyon o nominasyon para sa nabakanteng puwesto ni Martires.