Una sa Balita

NoKor nagpaputok ng missile

0 397

KINUMPIRMA ng North Korea na naging matagumpay ang kanilang pag-testing sa bagong submarine-launched ballistic missile para umano mapalakas ang kanilang militar.

Nangyari ang pag-testing ng NoKor nitong Miyerkoles para sa kanilang kauna-unahang submarine-launched missile sa loob ng tatlong taon.

Base sa mga eksperto, tila binabantaan ng North Korea ang Amerika sakaling sumablay ang nuclear diplomacy sa pagitan ng dalawang bansa na muling binuhay noong nakaraang linggo.

Ayon sa Korean Central News Agency, ang test ng binansagang Pukguksong-3 missile ay ang magbubukas sa bagong phase ng natu­rang bansa para ma-neutralize ang mga outside force at para na rin sa self-defense.

Saad pa ng news agency, ang missile ay pinaputok nang pahalang at walang naapektuhang ibang bansa ang nasabing ballistic missile. (RP)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More