Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NoKor nagpakawala ng 2 missile sa Korean Peninsula

0 74

Nagpakawala umano ang North Korea ng dalawang ‘di pa natutukoy na ballistic missile sa karagatan ng silangang bahagi ng Korean Peninsula nitong Miyerkoles, ayon sa ulat ng South Korea.

Ayon naman sa Coast Guard ng Japan, ang unang missile ay pinakawalan alas-12:38 ng hapon

habang ang pangalawa ay 12:43 din ng hapon, oras sa Japan.

Ayon sa Japanese Government, ang mga missile ay bumagsak sa karagatang nasa labas na ng exclusive economic zone ng North Korea.

Ito ang unang ballistic missile test na isinagawa ng North Korea mula nang maupong pangulo ng US si Joe Biden.

Ang US ay katuwang ng South Korea sa pagmamanman sa aktibidad ng militar ng North Korea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.