Una sa Balita

NoKor nagbabala sa SoKor-U.S. war games

By
0 1

Muling nagbabala ang North Korea sa Estados Unidos kahapon kaugnay ng isasagawa nitong taunang war game sa South Korea sa susunod na linggo sa gitna ng tensyong namamagitan sa Pyongyang at Washington.

Nagpalitan ng maaanghang na salita ang dalawang bansa matapos na magsagawa ng intercontinental ballistic missiles (ICBM) test ang North Korea noong nakaraang buwan.

Nagbanta ang Pyongyang na tatargetin ng missiles nito ang U.S. territory ng Guam.

Bagama’t ipinagpaliban ni North Korean leader Kim Jong-Un ang naturang banta ay nagbabala pa rin ito na maaaring matuloy ang pag-atake depende sa susunod na magi­ging hakbang ng Estados Unidos.

Sa kabila nito, magsisimula naman ngayong Lunes ang “Ulchi Freedom Guardian” joint military exercises ng South Korea at U.S troops bagay na kinondena ng North Korea.