Una sa Balita

NoKor missiles, kinuyog ng batikos

By
0 157

Kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalipad ng tatlong ballistic missiles ng Democratic Republic of North Korea na tahasang paglabag sa inilabas na resolusyon ng United Nations Security Council.

Sa inilabas na kalatas ng DFA, nababahala rin ang Pilipinas sa madalas na pagpapalipad ng missile ng North Korea sa loob ng ilang buwan.

“The Philippines strongly condemns the De­mo­cratic Republic of North Korea’s (DPRK) launch of three ballistic missiles on 19 July 2016. This action is yet another grave disregard by the DPRK of the resolutions of the United Nations Security Council,” ayon sa DFA.

“Furthermore, the Phi­lippines expresses serious concern at the increasing frequency of the DPRK’s missile launch incidents these past months,” nakasaad pa sa kalatas.

Sa ulat, nagpalipad ng tatlong ballistic missiles ang Nokor sa eastern coast mula sa North Hwanghae province sa katimugang bahagi ng nasabing bansa kung saan lumipad ito sa layong 500 hanggang 600 kilometro.

Samantala, nagbabala ang ilang military analyst na nagtatayo ang Nokor ng bagong naval base na gagamitin nito para magbuo ng malaking submarino na may kakayahang magdala ng nuclear warheads.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More