Una sa Balita

NoKor kinondena ng int’l community

By
0 148

Kinondena ng international community ang panibagong probokasyon ng North Korea makaraang maglunsad ng tatlong magkakasabay na ballistic missiles.

Ayon sa ulat, unang iginiit ng Estados Unidos na paglabag sa Uni­ted Nations (UN) Security Council resolution ang ginawang pagpapalipad ng missile ng Pyongyang.

Nakikipag-ugnayan na umano ang US sa mga kaalyadong bansa sa gagawing hakbang laban sa Pyongyang at dadalhin ang usapin sa East Asia Summit ngayong linggo sa Laos.

Tiniyak naman ng South Korean Joint Chiefs of Staff na nakahanda ito sa giyera sakaling gumawa ng probokasyon ang North Korea.

Sinasabing tatlong medium-range ballistic missiles ang pinakawalan ng NoKor mula sa North Hwanghae pro­vince sa east coast nito na lumipad ng 1,000 kilometro bago bumagsak sa loob ng air defense identification zone ng Japan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More