Una sa Balita

NoKor bumuga ng ika-5 missile

By
0 191

Muling nagpakawala ang North Korea ng isang missile mula sa east coast ng naturang bansa na bumagsak hindi kalayuan sa Sea of Japan.

Sa ulat ng Yonhap news agency ng South Korea, posibleng isang Musudan (BM-25) intermediate-range ballistic missile (IRBM) ang inilunsad ng Nokor mula sa east coast nito kung saan makalipas ang ilang minuto ay kusa itong sumabog.

Sinabi naman ni U.S. Military Pacific Command spokesman Navy Commander Dave Benham na natukoy rin ng U.S. military ang tangkang paglunsad ng missile ng hilagang Korea.

Nabatid na ito na ang ikalimang beses na paglulunsad ng komunistang bansa ng Musudan missile ngunit pawang pumalpak ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More