Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Noise pollution negatibo ang epekto sa alaga ng mga plantita

0 53

Lumalabas sa isang pag-aaral na may pangmatagalan at masamang epekto sa mga halaman ang anumang ingay o noise pollution.

Batay sa pag-aaral na inilathala ng isang California Polytechnic State University (Cal Poly), isiniwalat na ang ingay ng mga tao o anumang mga bagay ay labis na nakakaapekto sa ecosystem at sa halaman na alagang-alaga ngayon ng mga certified plantito at plantita dahil sa epekto umano nito na nakakabawas ng stress.

Pero hindi lang pala tayong mga tao ang nai-stress, sa nasabing pag-aaral kasi nadiskubre na kapag naapektuhan ng noise pollution ang mga halaman ay maaaring hindi ito lumaki, kahit pa nawala na ang ingay.

Sa ginawang pag-aaral na 12 taon na ang nakalipas sa piñon pine seeds sa New Mexico, naobserba na mas kakaunti ang mga punla nito sa maingay at magulong lugar kumpara sa mas tahimik.

SM food to go Banner Ad

Dahil umano ito sa natataboy ng ingay mula sa mga sasakyan at gas station, ang mga ibon na responsable sa pagpapalago sa mga punla.

Kamakailan ay binalikan ng mga researcher ang lugar para alamin kung may pagbabago sa mga piñon pine seedling. Dito nalaman na hindi pa rin tumutubo ang mga punla kahit pa nawala na ang ingay sa kapaligaran.

Napatunayan pag-aaral ang negatibong epekto ng ingay sa mga halamaan at pagpaparami ng mga ito. Kabilang dito ang mga kompanya na gumagamit ng malalakas na compressor na dahilan para mataboy ang mga hayop na nakakatulong sa paglago ng mga halaman.

“The effects of human noise pollution are growing into the structure of these woodland communities. What we’re seeing is that removal of the noise doesn’t necessarily immediately result in a recovery of ecological function.” pahayag ni Clint Francis, isang Cal Poly biology professor at may akda ng pag-aaral. (Dolly Cabreza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.