Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nograles TikTok dance naghatid ng COVID info

0 112

Sa pamamagitan ng pagsasayaw sa TikTok, ipinarating ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang ilang impormasyong may kinalaman sa vaccination program ng gobyerno.

Limang dance video ni Nograles ang naka-post sa kanyang TikTok account at naka-share rin sa kanyang Instagram page.

Habang sumasayaw ay sinasagot niya ang mga tanong tungkol sa concern sa COVID-19 vaccine upang magkaroon ng tiwala sa bakuna ang publiko.

Ang unang video niya ay tungkol sa kaligtasan ng mga COVID-19 vaccine. Sumunod ay sinagot niya ang tanong kung mabibili rin ba ang mga bakuna sa mga botika at klinika.

Herd immunity naman ang topic ng ikatlong dance video habang may pinakamaraming views ang ikaapat na video kung saan tinalakay ang listahan ng mga benepisyaryo ng bakuna.

Sa informative video din sinagot ni Nograles ang tanong sa kanya ng isang Tiktok user na “Ano ang assurance namin na pagdating sa LGU walang palakasan na mangyayari sa kung sino mabibigyan ng bakuna?”

SM food to go Banner Ad

Aniya, mayroong mga priority list ang bawat local government unit (LGU) tulad ng mga health worker, vulnerable sector o mga senior citizen at may mga karamdamdan, at ang mga essential worker.

Sa isa pang video ay pinaalala niya na laging tandaan ang BIDA+ upang maiwasan ang COVID-19.

Bilib naman ang mga Instagram follower ng opisyal sa kanyang paghataw na sinabayan ng pagbibigay ng impormasyon.

“Magaling ka palang sumayaw Kab Sec,” ayon pa sa isang netizen.

“Tama na CabSec lalo kang pumopogi,” sabi pa ng isa. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.