Una sa Balita

Nograles, mga NGO nagsagawa ng outreach program sa Marawi

0 218

Nagsagawa ng outreach program sa Marawi ang Office of the Cabinet Secretariat sa pangunguna ni Secretary Karlo Nograles kasama ang MovEd Foundation, Kaayo Modern Mindanao at Philippine Muslim Women Council (PMWC).

Ang naturang grupo ay namahagi ng 500 school kit para sa 500 mag-aaral ng Harat Medina Elementary School, Bliss Lilod sa Madaya, Marawi City.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng tulong sa mga mag-aaral sa naturang eskuwelahan gayundin sa mga magulang ng mga bata para maibsan ang gastusin sa pagbili ng gamit pang-eskuwela ng kanilang mga anak.

Bago nagsimula ang distribution ng mga school supply ay nagkaroon muna ng maikling programa upang bigyang pugay ang pagdating ng kalihim at mga kinatawan ng mga non-government organization na sumama sa nasabing outreach program.

Sa maikling mensahe ni Secretary Nograles, kanyang pinasala­matan ang Philippine Muslim Women Council (PMWC) sa ilalim ng pamumuno ni Bai Norhata M. Alonto, dahil sa mainit nitong pagtanggap sa kanilang pagdating gayundin sa pag-organisa ng naturang socio-civic activity.

“Ang ganitong programa ay nakakapagbigay inspirasyon sa mga bata upang lalo pang magsikap ng husto sa kanilang pag-aaral. Nahuhubog din ang kanilang positibong pananaw at pagpapahalaga sa edukasyon kapag may mga taong nagbibigay sa kanila ng ganitong uri ng tulong,” pahayag ni Sec. Nograles.

Sa harap ng mga magulang, guro at mag-aaral ay nagbigay rin ng update ang kalihim hinggil sa ginagawang rehabilitasyon ng Marawi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy