Una sa Balita

Nograles ginawaran ng honorary doctorate degree ng WVSU

0 386

Pinagkalooban ng honorary doctorate degree ng West Visayas State University (WVSU) si Ca­binet Secretary Karlo Nograles kasabay ng kanyang pagdalo sa inagurasyon ng cultu­ral center ng nasabing unibersidad.

Ang University board at WVSU administration sa pamumuno ni President Dr. Luis M. Sorolla Jr. ang nagbigay ng honorary degree na ‘Doctor of Humanities, Honoris Causa’ kay Secretary Nograles.

Iginagawad ng unibersidad ang mga honorary doctorate deg­ree bilang tanda ng karangalan at respeto sa mga karapat-dapat na Pilipinong naging instrumento ng pagpapahalaga at pag-unlad.

Personal na tinanggap ng kalihim ang honorary degree na ipinagkaloob sa kanya na sinaksihan ni Commissioner Prospero De Vera ng Commission on Higher Edu­cation, mga miyembro ng board, faculty member at iba pang panauhin.

Sa acceptance speech ni Secretary Nograles ay kaniyang pinasalamatan ang bumubuo ng board of directors na nagdesis­yon upang mabigyan ng ganitong pagkilala.

Ayon sa kalihim, ang WVSU ay may kakayahang magbigay ng de-kalidad na edukasyon at patuloy na pumapanday ng karunungan upang lumikha ng maraming propesyonal sa iba’t ibang larangan.

Malaki ang naiambag ni Nograles sa paghahanap ng pondo para maisaayos ang lumang cultural center ng WVSU dahil sira na ito at delikado nang gamitin.
“Nakatutuwang makita na ang mga ipinangako nating proyekto noong tayo ay nasa Kongreso pa ay nagkakaroon ng katuparan,” pahayag ng kalihim.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy