Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Nobel prize mi Maria Ressa ‘di umubra! Rappler nangamote sa trust survey

0 151

Ang Rappler umano ang pinaka-hindi mapagkakatiwalaang media organization sa bansa kahit itinatag ito ng dating journalist ng CNN at Nobel Peace Prize winner na si Maria Ressa.

Sa isinagawang survey ng Publicus Asia, lumitaw na walang naniniwala sa kredibilidad ng Rappler dahil sa nakuha nitong “no trust” rating na 28.8% lang.

Naitala sa 22.7% ang kabuuan ng high trust rating ng Rappler at 43.5 naman ang pinakamababang trust rating nito.

Samantala, nangu¬nguna pa rin ang CNN Philippines sa pinaka-mapagkakatiwalaang media organization sa nakakuha nitong 49.3% na trust rating at sinundan ng GMA Network sa nakopo nitong 46.9%.

Kulelat naman at hindi patok sa panlasa ng mas nakararami ang pahayagang Business World sa “no trust” nito na 4%.

Tinanong ang mga lumahok sa survey kung paano nila iri-rate ang pagiging mapagkakatiwalaan ng mga media organization sa loob ng nakalipas na 12 buwan.(Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.