Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

No virus test, quarantine delikado – VP Leni

0 222

DELIKADO kaya hindi pinaburan ni Vice President Leni Robredo ang pag-aalis ng health protocols sa local travel.

“Para sa akin, delikado ‘yon lalo na’t mataas ‘yong cases natin… Baka maging dahilan ulit ng surge. Sana pinag-aaralan ng maayos, hindi lang tayo parating sa pagbubukas ng eco­nomy,” tweet ni Robredo sa ginawang pag-alis ng qua­rantine, testing at iba pang documentary requirements ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Nangangamba si Robredo na baka lumala pa ang hawaan ng COVID-19 sa bansa dahil tumataas pa rin ang bilang ng mga nagkakasakit kaya marapat umanong hindi muna alisin ng IATF ang mga protocol.

Sinabi pa ni Robredo na hindi rin siya pabor sa donasyon ng Sinovac. “Ako mismo, hindi ko binibili ‘yong ganoong argument na dahil donated, hindi na kailangan ng positive recommendation ng HTAC.”

SM food to go Banner Ad

Isa pa sa mga tweet ng Bise Presidente ay ang pagbara nito kay Labor Sec. Silvestre Bello kaugnay sa pagbabakuna sa mga health worker na kung saan hindi umano binibigyang halaga ng pamahalaan ang mga health worker kaya umaalis ng bansa.

“Maraming nagsasabing bayani ang ating health workers pero paano ba natin sila tini-treat? Tingnan natin kung paano sila tini-treat para hindi nila kailangang lumabas ng bansa,” base sa tweet ni Robredo.

Matatandaang inalis na ng IATF ang paghihigpit sa mga biyahero at pinapayagan nang lumabas ng Metro Manila kahit walang dokumento o test pero depende pa rin iyan sa mga pupuntahang local government unit (LGU).

Base sa IATF Resolution No. 101, kailangang sumailalim pa sa COVID-19 testing ang mga traveler kung requirement ng LGU dahil ibinigay na ng IATF ang desisyon sa mga pupuntahang probinsya o lalawigan. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.