Una sa Balita

NO MORE UNLI RICE!

By
0 13

Siguradong bye-bye na ang ‘unli rice habit’ ng mga Pinoy kapag magtuloy-tuloy ang pagkaubos ng buffer stock sa bigas ng National Food Authority (NFA).

Kasunod ito ng pag-amin ng NFA na kulang na kulang na ang stock nilang bigas sakaling magkaroon ng emergency at calamity situations.

Hindi rin umano kakayanin ang imbak na bigas ngayon ng ahensya para mapanatili ang mababang presyo ng bigas lalo na sa pagpasok ng lean months o stop harvest season.

Ayon kay NFA administrator Jason Laureano Aquino, kailangang makapag angkat ang gobyerno ng karagdagang 250,000 metric tons mula sa inaprubahang importation noong 2016 upang mabalanse ang buffer stock ng ahensya. 

Nababahala si Aquino na kung hindi makapag-angkat ng karagdagang bigas ang NFA bago sumapit ang April, siguradong mararamdaman ng publiko ang rice shortage o pagkaunti ng bigas sa merkado.

Hindi rin aniya makabubuti sa mga calamity-prone areas ang kakaunting rice stock ng NFA.

Sa ngayon aniya, tanging ang importasyon ang nakikita nilang paraan para agad na mapunan ang deficit sa buffer stock ng bigas para maiwasan ang price manipulation, price speculation at hoarding ng negosyanteng umaangkat ng imported na bigas.