Una sa Balita

No to suicide bomber

0 304

Dear Abante:

Muli po akong nanawagan sa ating mga kababayan higit po sa bahagi ng Mindanao, na kung maaari po ay makipag-ugnayan sa ating mga awtoridad o kung sino po ang pinakamalapit sa kanilang lugar na tagapanatili ng kapayapaan.

Baka lamang po kasi malingat ang ating mga kapulisan at kasundaluhan sa banta po ng teroristang ISIS sa ating bansa.

Magugunita po na inamin ng mga militar na limang suicide bomber ang binigyan ng basbas ng ISIS inspired Abu Sayyaf sa bansa para isagawa ang suicide bombing.

Naniniwala po ako na malaking bagay po na maibi­bigay sa ating bayan ang tuluyang pakikiisa ng mga lokal na residente ng isang lugar, lalo na sa bahagi ng Sulu na tatlong beses na umatake ang mga suicide bomber.

Paalala lamang po sa kapwa ko Pilipino na tayo po ang may concern sa ating mga bayan at ari-arian kaya huwag po natin hayaan na masira ang meron tayo ngayon.

Maraming salamat po.

Atalia May Otacio ng GenSan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy