Una sa Balita

No to polio

0 246

Dear Abante,

Labing siyam na taon nang idineklarang ligtas ang bansa sa sakit na polio, pero ngayon ay nagbabalik na naman ito. Hindi ko alam kung masusuklam ako sa balitang ito o maiinis sa DOH. Why o why?

Ano po ang ginawa ninyo bakit muling nagbabalik ang dating naitaboy na? Bakit hindi ninyo napangalagaan ang kalusugan ng ating mamamayan? Bakit nagbabalik?

Ako kasi ang nasasktan para sa mga kaibigan, kakilala na biktima ng polio.

Ang prof ko sa college na si Sir Asuncion sa New Era, si ate Leny ng DILG, si ate Jet ng DND, sina kuya na lagi ko nakikita sa overpass ng SM north at iba pa.

Magkakaiba ang tinahak ng kani-kanilang landas, may successful, may pinalad meron ding sinawing palad.

Nakakalungkot lamang po na kung napangalagaan sana natin ang ating bansa mula sa polio’y hindi na sana magkakaroon ng mga panibagong biktima’t maiiwasan ang kamatayan mula sa sakit na poilo. Imbis na kasi ma-enjoy ang normal na pamumuhay sa pang-araw araw ay hindi na nila nila magagawa.

Dagdag pa riyan ang pangungutya ng ibang tao sa kanilang kalagayan.

Ngayon po na nagbalik ang sakit na polio sa ating bansa, sana po maging malaking aral ito sa DOH na hindi dapat magpakampante. Time to time po dapat sinusuri ang mga ganitong mga sakit, hindi ‘yung naka focus na lamang sa kung ano ang trend o bagong mga sakit baka sa susunod ‘yung sakit na ketong maglipana na uli sa bansa o kaya ang flesh eating bacteria, aba naman po DOH gising naman po, alam ko marami kayong hinaharap sa ngayon subalit sa dami rin naman ng staff niyo sa buong Pilipinas sana man lamang may mga nakatoka sa bawat sakit na mayroon tayo.

Salamat po.

Jeriel Que B. Ali

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy