Una sa Balita

‘No helmet policy’ sa Cavite

By
0 22

Bunsod sa serye ng pamamaril ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa ilang lugar sa Dasmariñas City, Cavite nitong mga nakalipas na araw, agad nagpatupad ng ‘No Helmet Policy’ ang Pamahalaang Lungsod ng Dasmariñas, katuwang ang Dasmariñas Police at 75 barangay sa buong lungsod.

Sa bisa ng Sangguniang Panlungsod Resolution No. 155-series of 2017 (Resolution Adopting the Recommendation of the City Chapter Liga ng mga Barangay Peace and Order Council & the PNP to Prohibit Motorcycle Riders to use Motorcycle Helmets in All Roads in the City of Dasmariñas except in Agui­naldo Highway, Gover­nors Drive, and Palipa­ran-Salawag-Molino Road) ay inilarga ang mga checkpoints sa strategic place ng lungsod.

Kaakibat nito ang pagpapatupad rin ng 20-40 km/hr na speed ­limit ng mga motorsiklo, na obligadong tumi­gil sa mga madadaanang checkpoints na minaman­duhan ng mga unipormadong pulis at notarized NGO personnel.

Bago ito ay nagpalabas na rin ng pabuyang P500,000 si City ­Mayor Pidi Barzaga para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta sa pagkakasakote ng mga suspek na responsable sa serye ng pamamaril.

Magugunitang apat na beses nagkaroon ng serye ng pamamaril ang riding-in-tandem noong Lunes at Miyerkules na ikinasawi ng dalawa katao at ikinasugat naman ng walong iba pa.