Una sa Balita

‘No helmet, no travel’ policy sinuspinde sa Tuguegarao

0 264

TEMPORARYONG sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Tuguegarao City hanggang Agosto 20 ang ‘no helmet, no travel’ policy dahil sa umano’y pagbabanta ng terorismo.

Sa isang official statement, ayon kay Tuguega­rao City Mayor Jefferson Soriano, isa sa mga rason sa pagsuspinde ng pagsusuot ng helmet ng mga nakamotorsiklo ng lokal na pamahalaan ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan sa gitna ng pagbabanta ng terorismo sa Northern Luzon.

Matatandaan na nitong buwan, lumabas ang alert memo mula sa intelligence unit ng Northern­ Luzon Command na doblehin ang monitoring dahil sa posibleng pag-atake ng umano’y Islamic­ State of Iraq and Syria (ISIS) at pagpapasabog sa malalaking simbahan sa gitnang hilaga ng bansa na kumalat sa social media.

“We understand that this information has caused serious concern among our constituents. However, please be assured that the matter is being taken seriously by our city officials and our local police,” ani Soriano, na isang retiradong pulis.

Ang ‘no helmet, no travel’ police ay inimplementa noong Hulyo 1 na may P200 hanggang P500 sa sinumang lumabag dito. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy