Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

No-el sa lugar na mataas COVID – Duque

0 118

Posibleng ipagpaliban ang eleksiyon sa mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19.

Ito ang inihayag sa Laging handa public briefing ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa harap ng pananatili ng banta ng coronavirus sa bansa.

Aniya, pangunahing isinaalang-alang ng gobyerno ang kaligtasan ng mamamayan kaya kung masyadong mataas ang mga kaso ng COVID sa isang lugar ay dapat lamang na ipagpaliban ang halalan.

“Posible bang magkaroon ng postponement? Oo, siyempre! Posible pa rin kung talagang mataas ang sipa ng mga kaso sa mga piling lugar,” ani Duque.

Paliwanag ni Duque, may metrics na sinusunod ang gobyerno at susundin nila ang alert levelling system para sa sitwasyon ng COVID sa isang lugar.

Sinabi ni Duque na mahalagang mabantayan ang two-week growth rate at kung lampas 200% ang mga kaso ng COVID sa isang lugar ay pagpapasyahan ito ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Para naman aniya sa daily attack rate per hundred population, kapag sumobra sa 18 kada araw per hundred thousand population ay nasa high-risk ang isang lugar.

Sinabi ni Duque na kailangan din bantayan ang healthcare utilization rate lalo na kapag umakyat na ito sa 74% 0 75% hanggang 84% na ang ibig sabihin ay nasa high risk.

“So ito ang mga binabantayan natin. Parang dashboard ito, so ito `yong mga metrics at titingnan natin, ito `yong mga gauges. So, i-calibrate natin iyong response natin,” dagdag ni Duque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.