Una sa Balita

No-el sa Brgy. at SK, still an idea – Sotto

By
0 144

Wala pa ring linaw kung matutuloy ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban sa pangalawang pagkakataon ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Oktubre at mag-appoint na lamang ng OIC officials.

Ayon kay Senador Vicente “Tito” Sotto, wala pang napagkakasunduan ang mayorya ng Senado kung ano ang magiging kapalaran ng balak na no-election scenario sa Oktubre.

Sinabi ni Sotto na bagama’t mayroon na silang mga napag-usapang option, hindi pa rin malinaw kung ano magiging diskarte ni Senate President Koko Pimentel sa kagustuhan ni Pangulong Duterte.

“Sa meeting naming noon  may 3 to 4 options na pinag-usapan, sa mga options na yun sa pagkaalam ko ilalahad ni SP Koko  sa Pangulo at ibabalik  sa amin kung ano ang napag-usapan nila kung ano ang dapat na pwdeng suportahan at kung ano  ang pwde naming gawin ,” ani Sotto.

“Wala pa kaming napagsasarhan na usapan tungkol dyan kasi until now it’s still an idea,” ayon pa sa Senador.

Bukod dito, wala pa rin aniyang nakahain na resolusyon senado para pigilin ang barangay at SK elections na nakatakda sa Oktubre.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More