Una sa Balita

‘NO TO DEATH…’ NI ATE VI, PINALAKPAKAN NG SHOWBIZ!

By
0 64

Maaaring hindi lahat, lalo na ang all-out and die-hard supporters ng Duterte’s administration na hindi pabor o hindi humahanga sa naging stand at boses ng ngayo’y Congresswoman na si Ms. Vilma Santos.

Nagpahayag na kasi ito ng stand niya and that’s NO TO DEATH PENALTY.

Siyempre, you can never please everybody. Dahil sa pagiging vocal niya sa hindi pagpabor na maisulong ang death penalty sa bansa, kung maaaring marami ang hindi na-appreciate ang aktres/congresswoman sa paniniwala nito, marami rin naman kaming nababasa na saludo at masayang-masaya dahil sa pagiging boses niya ngayon sa Kongreso na labanan ang death penalty.

May nabasa pa nga kaming isang staff ng isang network at nag-post sa FB status niya nang, “Idol na kita Ate Vi!”

Meron din na nagpahayag talaga ng labis na katuwaan at paghanga sa kongresista.

Personally, isa kami sa nagpapasalamat na mula pa noong pagiging Mayor niya ng Lipa hanggang sa maging Gobernadora siya at hanggang ngayon nga na Congresswoman na ito, isa si Ate Vi sa maipagmamalaking artista na pumasok sa pulitika talaga.