Una sa Balita

No. 3 spot target ni Daquis, Cignal

0 245

Team Standings:
Petron 13 1
F2 Logistics 11 2
Generika-Ayala 8 6
Foton 7 6
Cignal 7 6
PLDT 6 8
Sta. Lucia 2 12
Marinerang
Pilipina 0 13

Mga laro ngayon:
(Malolos Sports and Convention Center)
4:15pm — Foton vs Marinerang Pilipina
7:00pm — F2 Logistics vs Cignal

TIYAK na malaking papel ang gagampanan nina skipper Rachel Ann Daquis, Mylene Paat at Fil-American Alohi Robins-­Hardy para itaguyod ang Cignal HD Spikers laban sa powerhouse F2 Logistics Cargo Movers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Malolos City.

Tangan ang 7-6 karta, babanggain ng HD Spikers­ ang Cargo Movers­ sa alas-7:00 ng gabi.

Mahigpit ang labanan para sa third spot ng team standings, kasalo ng Cignal ang Foton Tornadoes sa No. 4 habang solo sa pangatlo ang Generika-Ayala Lifesavers­ kapit ang 8-6 record.

Malaki ang tsansa ng HD Spikers na puwestuhan ang third spot pagkatapos ng eight-team double round robin kapag nanalo sila sa Cargo Movers dahil mataas ang kanilang quotient at makakaharap nila sa quarterfinal ang PLDT Home Fibr Power Hitters na nasa pang-anim na puwesto hawak ang 6-8 record.
“This is our best and only chance to get the third spot so we have to give our all,” saad ni Cignal head coach Edgar Barroga.

Pero paniguradong mapapalaban ng todo ang HD Spikers kahit ga­ling sa dalawang sunod na talo ang F2 Logistics (11-2).

Ikakasa ni head coach Ramil De Jesus ang kanyang pambato na si Fil-American Kalei Mau kasama sina veteran Aby Maraño at Ara Galang para makabangon mula sa pagkakadapa.

Samantala, magkakaldagan sa unang laro ang Foton at Marinerang Pilipina sa alas-4:15 ng hapon. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy