Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

No. 1 world tourist attraction! Taj Mahal, Great Wall of China panis sa Intramuros

0 235

Humakot ng malalaking parangal ang Pilipinas sa 2020 World Travel Awards.

Muling nasungkit ng bansa ang titulo bilang best dive destination sa buong mundo.

Ito ang ikalawang sunod na taon na pinangaralan ang bansa sa naturang kategorya ng naturang travel awards.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinalo ng ‘Pinas ang mga lugar ng Azores Islands; Bora Bora, French Polynesia; Fiji; Cayman Islands’ Maldives; Great Barrier Reef sa Australia at Mexico.

Bukod pa dito, pinarangalan din ang Intramuros bilang leading tourist attraction sa buong mundo, kung saan naungusan nito sa kauna-unahang pagkakataon ang Taj Mahal sa India, Great Wall of China at Grand Canyon sa Amerika.

“We are incredibly grateful for the recognitions given to the Philippines’ magnificent dive sites and the beautifully-restored heritage site of Intramuros at the 27th World Travel Awards,” saad ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

“We will continue to promote sustainable, inclusive, and world-class tourism, especially now as we slowly reopen our attractions to more domestic tourists,” aniya pa. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.