Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

No. 1 wanted ng Camarines, nakorner sa Cavite

0 101

SA Cavite natunton ang tinaguriang Top 1 Most Wanted Person (MWP) Municipal Level ng Caramoan MPS sa isinagawang operasyon sa Silang, Cavite Biyernes ng madaling araw.

Kinilala itong si Michael Anthony Sarmiento y Pantela, binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2 Silang Cavite.

Sa ulat ng Silang Police Station, ika-4:00 kamakalawa ng madaling araw nang isagawa ang operasyon kontra most wanted persons ng pwersa ng Silang MPS, Caramoan MPS, RIU4A PIT Cavite sa Brgy Biga 2, Silang Cavite na ikinaaresto ni Sarmiento sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ma. Angela Companado-Arroyo ng Camarines Sur sa kasong Acts of Lasciviousness. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.