Una sa Balita

No. 1 most wanted sa Zamboanga del Norte, todas sa panlalaban

0 182

NAKIPAGBARILAN hanggang sa mapatay ang number 1 most wanted person ng Zamboanga Del Norte, at lider ng isang criminal gang kamakalawa sa bayan ng Salug ng nabatid na lalawigan.

Kinilala ni Brig. Gene­ral. Emmanuel Licup, Police Regional Office (PRO) 9 Director ang napatay na suspek na si Julmin Mulok, provincial level top 1 most wanted at lider ng Muloc gun for hire at kidnapping group.

Napag-alaman na dakong alas-10:45 ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na puwersa ng Salug Municipal Police Station, Zamboanga del Norte PPO-Intel Branch, 901st Company of RMFB9, Zamboanga del Norte Provincial Mobile Force at 97th Infantry Batta­lion ng Philippine Army laban kay Muloc.

Nabatid na sa bisa ng warrant of arrest sa kasong kidnapping na inilabas ni Judge Cherry Joy Ageasb ay sinu­yod ng awtoridad ang pinagtataguan ni Muloc sa Brgy. Mucas ng nabatid na bayan.

Subalit sa halip na sumuko ng mapayapa ay nanlaban at nakipagba­rilan pa ito kaya’t nabaril.

Nakuha pang isugod sa Liloy Integrated Health District Hospital ang suspek subalit wala na itong buhay. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy