Una sa Balita

No. 1 most wanted sa Cavite nasukol

0 327

Suspek sa panggagahasa sa 3 babae

MAKARAAN ang apat na taong pagtatago, nadakip din ng Cavite Police sa bisa ng warrant of arrest ang No. 1 most wanted person dahil sa panggagahasa sa tatlong kababaihan kabilang ang isang 15-anyos na estud-yante matapos na ipinagkanulo ng kanyang pinsan sa Tanza, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Tanza Custodial Center si Avin Arlanza, alyas ‘Tirek’, 30-anyos, binata, walang trabaho ng Brgy. A­maya 4, Tanza, Cavite na dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Aurelio Icasiano, Executive Judge, Regional Trail Court, Trece Martires City.

Sa ulat ni PSSgt. Yves Luyun ng Tanza Municipal Police Station, dakong alas-siyete, kamakalawa nang gabi nang arestuhin ang suspek sa pamumuno ni Luyun at kasamang sina PSSgt. Doddie Roi Montano; Pat John Digma; Pat Andro Gallego at Pat Allan Lanerio, pawang nakatalaga sa Tanza MPS sa Brgy. Amaya 4, Tanza, Cavite matapos na nakatanggap ng tawag mula sa pinsan nito na bumalik ang suspek sa kanilang lugar at bumabangka sa isang pasugalan.

“Itinimbre sa amin yan ng kanyang pinsan na bumalik siya sa kanilang bahay. Sakit na raw ng ulo ang suspek sa kanila” ayon kay Luyun.

Si Arlanza ay sinampahan ng kasong Rape in Relation to RA 7610 noong taon 2015 dahil sa panggagahasa sa isang 15-anyos na estud-yante sa Brgy. Biwas, Tanza, Cavite.
Matapos ang insidente ay nagtago umano ang suspek sa iba’t ibang lugar subalit matagal itong nanira-han sa Naic, Cavite.

Ayon kay SSgt. Luyun, si Arlanza ang itinuro ding suspek sa panggagahasa sa isang Guest Relations Officer (GRO) at isa pang babae na kalaunan ay nabuntis ito ng kaparehas ding taon. Gayunman, ang dalawang nabanggit na kaso ay nalusutan ng suspek makaraang pumayag sa areglo ang dalawa nitong biktima.

Dagdag pa ni Luyun na inakala ng suspek na “natulog” na ang huli nitong kasong panggagahasa sa menor de edad kaya bumalik sa kanilang bahay nito lamang nakaraang Linggo, subalit hindi nito alam na ituloy ang kaso ng magulang ng biktima.

Walang inirekomendang piyansa laban sa naarestong suspek. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy