Una sa Balita

No. 1 high value target sa NE dedo sa encounter

By
0 1

CABANATUAN CITY — Kinumpirma kahapon ni P/Supt. Ponciano Zafra, city police chief dito, na nakatalang Number 1 high value target sa droga rito ang nakaengkuwentro ng kanyang mga tauhan noong Linggo ng hapon sa Brgy. Carmen, Zaragosa, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-kuwatro ng hapon habang isinisilbi ang warrant of arrest nina P/Sr. Inspector Jaime Ferrer, intel officer ng Cabanatuan City Police Station kasama ang mga pulis-Zaragosa kay Christoper Valmonte Quim­son, pansamantalang naninirahan sa Brgy. Carmen at residente ng Brgy. Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija nang bigla silang paputukan ng huli habang sakay ng kotseng may conduction sticker VD5002.

Gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng suspek. Narekober dito ang isang caliber .9mm pistol na may 12 bala na may isang basyo; isang pouch na may 5 sachet ng shabu; digital weighing scale at iba pang shabu paraphernalia.