Una sa Balita

No. 1 draft pick ‘di na pwedeng i-trade

By
0 684

POSITIBO sa fans at sa kapakinabangan na rin ng PBA marahil ang aksiyon ng Board of Go­vernors na ipagbawal na ang pag-trade ng No. 1 draft pick.

Pero ang bagong ruling na ito ay ee­pekto pa sa susunod na taon.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial na aprubado na ito ng Board of Governors, gayunpaman, hindi pa mai-implement nga­yong taon kundi sa 2019 pa.

Sa ngayon, ang Columbian Dyip ang namumurong muling makakuha sa top pick para sa 2018 Rookie Draft na idaraos sa December 16.

Nitong nakaraang taon, nahati ang Board of Governors matapos na aprubahan ni noo’y commissioner Chito Narvasa na ipagpalit ng KIA (Columbian Dyip) ang top pick nitong si Christian Standhadinger.

Nakapalit ng Fil-German sina Ronald Tubid, Jay-R Reyes at Rashawn McCarthy kasama na rin ang 2019 first round pick ng San Miguel.

Ang kontrobersiyang ito ang naging daan para masibak si Narvasa at ­maging commissioner si ­Marcial.

Sa mga nag-aalala na maulit ang issue noong 2017 Draft, nagpahayag ng tiwala si Marcial na hindi na ito mangyayari.

Sa unang buwan ng kanyang pag-upo bilang commissioner, bumuo kaagad si Marcial ng five-man committee na mag-aaral kung parehas ang gagawing trade ng mga team.

“Lahat ng trade kailangang dumaan sa committee,” sabi ni Marcial.

Ang komite ay binubuo ni PBA legal counsel Melvin Mendoza, Technical and Operations head Eric Castro at Technical team members Junior Benngua at Roschelle Fabie Teotico.

So far, marami na ang nagyaring trade ngayong season sa ilalim ng panunungkulan ni Marcial pero wala pa namang umaangal na team.

Nangangahulugan lamang ito na epektibo ang five-man committee na kanyang binuo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy