Una sa Balita

NM Tan kampeon sa Philadelphia Chess

By
0 1,997

NASIKWAT ni US-based Pinoy National Master (NM) Oscar Tan ang kampeonato sa katatapos na 12th annual Philadelphia Open Chess Championship Under 2200 section na ginanap sa Philadelphia Marriott Downtown sa Philadelphia, Pennsylvania, United States.

Kumolekta si New Jersey-based Tan ng 6.5 puntos mula sa anim na panalo at isang tabla para maghari sa seven-round tournament.

Tinangap niya ang top purse US $4,777 sa kanyang pagkakapanalo.

“Masaya ako sa panalo ko, sana magtuloy-tuloy sa mga sasalihan kong tournaments,” ani Tan.

Naging biktima ni Tan sina Cesar Torto­lero, Shane Jayasundera, Mark De Dona, Anthony Wong, Shapiro-Erciyas at Yassamin Leili Ehsani.

Nakipaghatian siya ng puntos kay Jason Liang sa seventh at final round.