Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NLEX pinakawalan si Hill sa Converge

0 77

DALAWANG araw matapos ang 2022 PBA Draft, nagkasa na agad ng trade ang NLEX at Converge.

Ayon sa sources, binigay raw ng Road Warriors sina sophomore Dave Murrell at rookie Tyrus Hill sa FiberXers kapalit ng first-round pick sa susunod na taon.

Si Murrell ay 20th pick ng Road Warriors noong 2021, inakyat sa active roster sa second half ng nakaraang Governors Cup.

Seventh pick overall ng NLEX si Hill nitong Linggo sa Robinsons Place-Manila.

Nasa tanggapan ni commissioner Willie Marcial na raw ang proposal, naghihintay mapirmahan.

Tatlo na ang first-rounder ng Converge, bumili sa prangkisa ng Alaska Aces bago natapos ang 46th season.

No. 3 ng FiberXers si Jeo Ambohot ng Letran, No. 4 si Justin Arana ng Arellano.

Big din si forward Hill, kaya kapag natuloy ay magiging mas matibay pa ang frontline ni coach Jeff Cariaso na may Abu Tratter at Ben Adamos na. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.