Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

NLEX-MVP ‘panis’ sa SLEX-RSA

0 306

Tinawag kahapon ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na panis ang istilo ng tollway system sa North Luzon Expressway (NLEX) kaya napag-iiwanan ito ng milya-milya ng South Luzon Expressway (SLEX).

Ayon kay Gatchalian, puro porma lang ang ginagawa ng NLEX kaya naman puro aberya ang inaabot ng publiko, partikular ang mga motoristang dumaraan dito.

Aniya, dapat siguro ay mag-aral muna ng pamamahala si Metro Pacific Tollways Development Corporation (MPTDC) chairman Manny V. Pangilinan kay San Miguel Corporation (SMC) president Ramon S. Ang para matuto ito at maisaayos ang sistema sa NLEX.

Pag-aari ng Salim-Metro Pacific group nina Pangilinan ang 71% interest ng NLEX samantalang kontrolado naman ng SMC-Citra group ang 80% ng operasyon ng SLEX.

Giit ni Gatchalian, dapat na magtungo ang grupo ni Pangilinan sa SLEX para obserbahan kung gaano ka-epektibo ang pamamahala ng kampo ni Ang pagdating sa pagpapatupad ng cashless toll system sa pamamagitan ng radar drequency identification (RFID).

Katunayan ay siya mismo ang nakaranas kung gaano kagaan bumiyahe sa SLEX nang magtungo siya sa Tagaytay para dumalo sa isang kasal.

“ Sa totoo lang hindi ko namalayan na nakaraan na pala ako. I was busy texting kasi. When I looked up lumagpas na pala ako,” anang alkalde.

Dahil dito naisip daw niya na makatuwiran lang na suspindihin niya ang business permit ng NLEX sa anim nitong toll gate na nasa Valenzuela City.

Bumigat aniya ang daloy ng trapiko sa mga ito dahil sa palpak nitong tollway system.

“I guess that’s what you call stress-free, seamless toll plaza experience. If we only had that sa North hindi na sana umabot pa sa ganito sa NLEX,” dagdag pa ng alkalde. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.