Una sa Balita

NLEX, GINEBRA RATSADA

By
Nakaabang si lady referee Edith Boticario kung pipito siya sa pag-aagawan ng bola nina Asi Taulava­ ng NLEX at Eric Dawson ng Blackwater sa PBA Governor’s Cup sa MOA Arena. Wagi ang NLEX, 96-90. (Jhay Jalbuna)
0 3

STANDINGS
TEAMS         W L
Meralco         1 0
Mahindra       1 0
NLEX             1 0
Ginebra        1 0
GlobalPort   0 1
Phoenix          0 1
Star                 0 1
Blackwater     0 1
Rain or Shine x x
San Miguel     x x
Tropang TNT x x

Games ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
4:00 p.m. — Phoenix vs. San Miguel
6:15 p.m. — Alaska vs. Meralco

Wala na nga si Greg Slaughter, na-injured pa ang import na si Paul Harris.

Pero, hindi pa rin ­napigil ang Barangay Ginebra sa pagsakmal ng unang panalo kontra GlobalPort, 93-81, kagabi sa PBA Governor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dahil wala si Slaughter, ang kasanggang si Japeth Aguilar ang kumamada ng 21 points, six rebounds at may two blocks pa para pangunahan ang opensa ng Ginebra.

Humugot ng suporta mula kina Sol Mercado na may 12 points, tig-10 mula kina Chris Ellis, LA Tenorio at Joe Devance.

Nilisan ni Harris ang laro sa huling bahagi ng third period sanhi ng broken right thumb — nakapagsumite muna siya ng 14 points, 10 rebounds, two assists at two blocks.

Sinamantala naman ng NLEX ang lugu-lugong namimighating Blackwater dahil sa namatay nilang player na si Gilbert Bulawan dalawang linggo na ang nakalilipas, at sa likod ng new career-high 44 points ni balik-import Henry Walker binundol ng Road Warriors ang Elite, 96-90.

Nakiakbayan sa triple-tie na may maga­rang debut game sa Oppo PBA Governors’ Cup ang NLEX sa pagsama sa mga nanalo kamakalawang sister team Meralco at Mahin­dra sa paggawi ng 2015-16 41st season-ending conference kahapon sa MOA Arena sa Pasay City

“We really had to start strong and match the energy of Blackwater,” sambit ni Road Warriors coach Boyet Fernandez. “I thought that they would get an inspiration from Gilbert na they will go hard and strong. Pero kami ‘yung nag-start nang magana.”

Nagmaneho ang da­ting reinforcement ng Alaska na si Walker ng 24 agad sa first quarter para sa 17-point biggest lead sa game ng kanyang kampo, 29-12, dinuplik­a pa sa third 78-61, saka pinagpagpag na lang ang rally ng Blackwater nang kumatok pa ito sa 88-94.

Bago mag-jumpball iniretiro ng Elite ang no. 11 red jersey ni Bulawan na kinuwadrang babasagin na tinanggap ng kanyang asawang si Dr. Icey Bulawan mula kina Elite governor Silliman Sy at team stalwart Reil Cervantes.

Naglaro rin ang Blackwater na may nakaka­bit na numerong 11 sa may balikat ng kanilang uni­porme na ayon kay Sy ay pag-­aalaala nila kay Bulawan, na bumagsak sa braso ni Cervantes sa SGS gym floor sa Quezon City sa team practice noong Hul­yo 3 na dead-on-arrival na sa ospital.